Monday, July 28, 2014

Himig Handog 2014 Interpreters Bared

The artists who will be interpreting the songs that made it to this year's "Himig Handong" have been revealed Tuesday. They are as follows:

Himig Handog 2014 Interpreters
1. "7 Minutes" – Juris Fernandez
2. "Akin Ka Na Lang" – Morissette Amon
3. "Bumabalik ang Nagdaan" – Jessa Zaragosa
4. "Dito" – Jovit Baldivino
5. "Everything Takes Time" – Hazel Faith Dela Cruz (composer and interpreter)
6. "Halik sa Hangin" – Ebe Dancel & Abra
7. "Hanggang Kailan" – Angeline Quinto
8. "If You Don’t Want to Fall" – Jed Madela
9. "Mahal Kita Pero" – Janella Salvador
10. "Mahal Ko o Mahal Ako" – KZ Tandingan
11. "Pare Mahal Mo Raw Ako" – Michael Pangilinan
12. "Pumapag-ibig" – Marion Aunor
13. "Simpleng Tulad Mo" – Daniel Padilla
14. "Umiiyak ang Puso" – Bugoy Drilon
15. "Walang Basagan ng Trip" – Jugs and Teddy

Now on its 6th year, Himig Handog is a songwriting competition organized by ABS-CBN and Star Records. Over the years the contest has produced memorable hits including "Hanggang" (performed by Wency Cornejo), Para Sa 'Yo (sung by Dianne dela Fuente), "Kung Ako Nalang Sana" (interpreted by Bituin Escalante) and last year's winner "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" (performed by Aiza Seguera).

This year's 15 song finalists were selected from more than 6,000 entries that were submitted from all over the country.

The finale of Himig Handog 2014 will be held  this September. FULL STORY...

SONA 2014: PNoy's Fifth State Of The Nation Address Transcript

SONA 2014, the fifth State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino III, took place at the Session Hall of the House of Representatives in Batasang Pambansa, Quezon City on July 28.

SONA 2014 Transcript
Below is the transcript of PNoy's 2014 SONA:

State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines to the Congress of the Philippines:

[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, on July 28, 2014]

Bise Presidente Jejomar Binay; dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M. Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan:

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw:

Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong “Sick Man of Asia.”  Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.

Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isa’t isa, humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili.

Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.

Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga lumilitaw sa kasalukuyan—obligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel. Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestiyon, at kritisismo—at dapat sagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung minsan, nagkakaroon din ng agam-agam.

Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat nitong tuon—ang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon. [Palakpakan]

‘Di po ba’t may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa nito ay ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos. Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66 percent po nito—o katumbas ng 146,731 graduates—ang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin. [Palakpakan]

Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 pesos ang naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang 18,000 piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000 pesos. Ibigay man ang maximum tax deduction, ang magiging income tax niya kada taon: 7,900 pesos. Ibig-sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155 pesos, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang lahat ng ibubuwis ng ating scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng parehong pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala [Palakpakan]: May tama pong intensyon, pamamaraan, at resulta. Lahat panalo.
FULL STORY...

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO